Tokenized RWA: A New Era of Stability and Growth in the Crypto Space

avatar
(Edited)

25-Tokenization of RWA.jpg

Prompt: Tokenization of Real-world Assets

RWA is a new crypto term for me, which means “real-world assets.” That’s what I love in the crypto space. You learn new ideas that you won’t encounter anywhere.

Alex Malkov wrote about tokenized RWA, which he included in this category assets like stablecoins, treasuries, shares in the automotive sector, and gold. According to him, last year's crypto market crash caused by the Terra Luna scandal has changed investors' sentiment. One is the shift from crypto-native finance firms to the automotive sector. The most interesting trend in his opinion is the emergence of tokenized treasuries, a new type of RWA product. He anticipates that this product will dethrone stablecoin, the largest tokenized RWA.

To prove his analysis, he cited the sevenfold growth in the volume of tokenized treasuries. For him, tokenized treasuries are bringing into blockchain the needed stability that investors are looking for.

Describing the advantage of tokenized treasuries over stablecoin, he saw the former “as a perfect product-market fit for risk-averse defi investors.” He believes that this asset class is safe and “immune from confidence shake-ups.” As a basis for this confidence, he mentioned that the capital allocation to tokenized US treasuries grew nearly ten times from 114 million USD at the start of 2023 to 1.09 billion USD as of last month.

Nevertheless, this does not mean that the rise of digital bonds will make stablecoins disappear. Instead, he foresees 2024 as the year that will bring competition and diversification in the crypto market.

Among tokenized RWA, the co-founder of HAQQ believes that the opportunity that has been ignored and should be given attention is the gold-backed stablecoins.

All in all, Alex is very optimistic that tokenized RWA is now showing maturity with the entrance of digital bonds. In his mind, 2024 is the year that both treasuries and gold-backed stablecoins will receive more attention.

Reading the above article, I am not sure what to think. Though I am glad to read confirmation about the positive trends in the crypto space, my mind is torn between what the analysts say and what we do here on Hive. Our stablecoin, HBD is neither backed by fiat nor by gold. Others think that our stablecoin is also not fully algorithmic, but a combination of collateral backing and market mechanisms. I am not sure how the details work. I still need to grow in my understanding of the mechanics of HBD particularly in three areas:

  • The locking up of HIVE tokens that serve as collateral to mint new HBD

  • The dynamic character of the collateralization ratio that can be adjusted through governance mechanisms, and

  • The influence of market demand for HBD

-0-0-0-

RWA ay isang bagong crypto term para sa akin. Ang ibig sabhin nito ay “real-world assets.” Ito ang nagugustuhan ko sa crypto space. Natututo ako ng mga bagong salita at mga pananaw na hindi ko nakikita kahit saan.

Sumulat si Alex Malkov tungkol sa tokenized RWA at isinama niya sa kategoryang ito ang mga assets tulad ng stablecoins, treasuries, shares sa automotive sector, at ginto. Ayon sa kanya, ang nangyaring pagbagsak ng crypto market noong nakaraang taon na dulot ng iskandalo sa Terra Luna ay naging dahilan ng pagbabago sa sentimento ng mga namumuhunan. Isa sa mga ito ay ang paglipat mula sa crypto-native finance firms patungo sa automotive sector. Ang pinakanakakatawag pansin na trend sa kanyang opinyon ay ang paglitaw ng mga tokenized treasuries, isang bagong uri ng produkto na RWA. Inaasahan niyang aalisin ng produktong ito ang stablecoin sa kaniyang trono, ang pinakamalaking tokenized RWA.

Upang patunayan ang kanyang pagsusuri, binanggit niya ang pitong ulit na paglaki ng volume sa mga tokenized treasuries. Para sa kanya, dinadala ng mga tokenized treasuries sa blockchain ang kinakailangang stability na hinahanap ng mga namumuhunan.

Isinalarawan ni Alex ang mga bentahe ng tokenized treasuries kumpara sa stablecoin. Naniniwala siya na ito ay isang “perpektong produkto” na akma para sa mga defi investors na umiiwas sa mga risky na crypto projects. Naniniwala siya na ang asset class na ito ay ligtas at “immune from confidence shake-ups.” Bilang batayan ng kumpiyansang ito, binanggit niya na ang capital allocation sa tokenized US treasuries ay lumago ng halos sampung beses mula 114 million USD simula ng 2023 at umabot sa 1.09 billion USD noong nakalipas na buwan.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan na porke popular ang digital bonds ay mawawala na ang mga stablecoins. Sa halip, inaasahan niya na ang 2024 ay ang taon na magdadala ng kompetisyon at diversity sa crypto market.

Kabilang sa tokenized RWA, ang co-founder ng HAQQ ay naniniwala na ang pinakamalaking oprtunidad na winawalam bahala at nararapat na pagtuunan ng pansin ay walang iba kundi ang gold-backed stablecoins.

Sa kabuuan, lubos na umaasa si Alex na ang tokenized RWA ay nagpapakita na ngayon ng maturity sa pagpasok ng mga digital bonds. Sa kanyang isipan, ang 2024 ang taon na kung saan ang digital treasuries at gold-backed stablecoins ay tatanggap ng higit na atensyon.

Sa pagbabasa ng artikulong nabanggit, hindi ako sigurado kung ano ang aking iisipin. Bagama't natutuwa akong makabasa ng kumpirmasyon tungkol sa mga positibong uso sa crypto space, nahahati pa rin ang isip ko sa pagitan ng sinasabi ng mga analysts at kung ano ang ginagawa natin dito sa Hive. Ang HBD, ang ating stablecoin, ay hindi nakabase sa fiat money o sa ginto. Iniisip din ng iba na ang ating stablecoin ay hindi 100% na algorithmic, at sa halip ay kumbinasyon ng collateral backing at mga mekanismo ng merkado. Hindi ako sigurado kung paano gumagana ang mga detalyeng ito. Kailangan ko pa ring pag-ibayuhin ang aking pang-unawa sa mga teknikalidad ng HBD partikular sa tatlong mga bagay:

  • Ang pag lock up ng mga HIVE tokens na nagsisilbing collateral para makagawa ng bagong HBD

  • Ang dinamikong katangian ng collateralization ratio na maaaring iakma sa pamamagitan ng governance mechanisms, at

  • Ang impluwensya ng market demand para sa HBD

Reference:

Real-world assets: 2024 is the breakthrough year for tokenization

Posted Using InLeo Alpha



0
0
0.000
2 comments