Unseen Crisis: The Call for Comprehensive Mental Health Solutions

Ito ay follow up sa artikulong sinulat ko kahapon ukol sa mental health issue sa Estados Unidos. Nais kong banggitin ang isang pag-aaral na ginawa anim na taon na ang nakalipas. Ito ay may kinalaman sa suicide rate at ang pag-aaral na ito ay ginawa ng Center for Disease Control (CDC).

Ang record ay batay sa mga kaganapan mula 1999 hanggang 2016. Ayon sa ulat, ang sucide rate ay tumaas ng 30%, mula 10.4 bawat 100,000 katao hanggang 13.5 bawat 100,000. Bagamat lubhang napakahalaga ng pag-aaral na ito, nakakabahala na ito ay hindi nabigyan ng pansin ng publiko at natabunan ng iba pang mga social issues noong panahong iyon.

Natuklasan sa pag-aaral na 76.8% ng pagpapatiwakal na nabanggit ay ginawa ng mga lalaki. Sa loob ng mga taong nabanggit, ang sucide rate sa mga lalaki ay tumaas ng 21% at samantalang sa mga kababaihan ay 50%. Nakakagulat ang pagtaas ng suicide rate sa mga batang babae na may edad 10-19, lalo na ang mga may edad na 10-14.

Pagsapit ng 2015, halos nadoble ang bilang ng mga bata na naospital dahil sa suicidal thoughts or behavior kumpara noong 2008. Ang sucide ay naging pangalawang pangunahing sanhi ng kamatayan para sa edad na 10 hanggang 34 at ang pang-apat para sa edad na 35 hanggang 54.

Anu ano ang mga posibleng sanhi sa pagtaas ng pagpapatiwakal? Nabanggit ni Dr. Paul Minot ang ilan sa mga ito tulad ng paghina ng ekonomiya, pagbaba ng social safety nets, pagtaas ng income inequality, pagbabago ng mga ugali sa lipunan, kabilang na rito ang impluwensya ng social media. Ayon kay Dr. Deborah, lead researcher ng pag-aaral na ito, ang pagpapatiwakal ay hindi lamang isang alalahanin sa kalusugan ng isip. Maraming iba pang mga posibleng kadahilanan na nagiging sanhi upang wakasan ng isang tao ang kaniyang buhay.

Nakapagtataka rin na ipinakita sa pag-aaral na 54% ng mga suicide cases ay walang history na mayroon silang sakit sa pag-iisip. Inamin ni Dr. Pinot na misteryoso ang usapin ng mental health kaysa sa kasalukuyang naiintindihan ng mga eksperto. Masakit mang aminin, ipinapakita ng pag-aaral na ito kung gaano kawalam-bisa ang kasalukuyang biological model. Hinihiling ni Dr. Pinot na isaalang-alang ang isang mas sensitibo at komprehensibong approach upang maiwasan ang suliraning ito.

Reference



0
0
0.000
3 comments
avatar

Congratulations @arlenec2021! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 800 upvotes.
Your next target is to reach 900 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

LEO Power Up Day - May 15, 2024
0
0
0.000
avatar

Medyo nakakagulat ang mga numero talaga s usaping ito. Iba na talaga ang panahon noon at ngayon.

0
0
0.000
avatar

Iniisip ko na marahil bukod sa ekonomiya, contributing factor din ang cultural shift at malaki ang papel ng edukasyon at media sa usaping ito.

0
0
0.000