Insights ukol sa Epekto ng Cryptocurrencies sa mga Developing Countries
Kahapon ay isinulat ko ang survey tungkol sa tatlong articles na aking nakita sa web ukol sa epekto ng cryptocurrency sa mga developing countries tulad ng Pilipinas. Ngayon naman ay nais kung tutukan ng pansin ang detalye ng unang artikulo. Ito ay ang artikulong isinulat ni Philipp Sandner mahigit apat na taon na ang nakalipas.
Ang layunin ko sa pagbabasa ng nabanggit na artikulo ay ang pansinin ang mga insights na sa tingin ko ay lubhang mahalaga at makakatulong sa aking mga kababayan dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ilang insights ang aking matutunghayan. Ang plano ko is to go through the entire article slowly and pick up thoughts here and there and give my personal thoughts. Kung matatapos ko ito sa loob ng isang article, that's better. Pero kung hindi at sobrang dami pala ng insights, then puputulin ko ang pagsusulat at itutuloy ko na lang sa susunod.
Sa panimula, nais kong banggitin na hindi ko layunin na talakayin ng detalye ang kabuuan ng article. Ako ay magiging selective sa content na nais kong bigyan ng diin.
Decentralized Crypto Project and Government Control
Ang unang insight na napansin ko ay ang tungkol sa pakinabang ng cryptocurrency dahilan sa decentralized character nito. Dahil sa katangiang ito, ang isang totoong decentralized crypto project ay hindi kayang kontrolin ng gobyerno. Para sa akin, ito ay isang magandang balita. Sa pagbabasa ko ng kasaysayan ng pananalapi since 2008, pagod na ako sa kalabisan ng mga byurukratiko. Ang marami ay either walang nalalaman sa mga kalabisang ito o dili kaya ay tinanggap na lamang nila na wala tayong magagawa para baguhin ang mga ito. Para sa akin, ang katotohanan na ang cryptocurrencies ay hindi limitado sa isang bansa at sa halip ay pwedeng magamit sa buong mundo ay napakalaking bagay.
Kaakibat ng katotohanan na hindi kayang kontrolin ng gobyerno ang isang decentralized crypto project, hindi rin nila kayang saklawan ang supply ng cryptocurrencies. Ito ang problema sa fiat currencies. Kaya silang padamihin ng gobyerno upang matustusan ang mga programa nito. Ang problema sa paglaki ng supply ng fiat currencies ay naaapektuhan ang halaga ng mga bilihin at ng value ng pera. Natutuwa ang marami na lumaki ang kanilang sahod mula 15,000.00 pesos to 20,000.00 pesos. Ang nakakalungkot lang kahit lumaki na ang sahod mo mas marami pa ring mga produkto ang mabibili mo sa dating sahod na 15,000.00 pesos kaysa sa tumaas na 20,000.00 pesos. Ito ang dahilan kung bakit ang tingin ng ilang ekonomista, ang inflation ay isang indirect tax. Ito ay pabor para sa gobyerno subalit dagdag na pasanin para kay Juan dela Cruz. Sinusuporthan ito ng mga politiko sapagkat ang paghingi ng direct tax sa mga mamamayan ay hindi makabubuti sa kanilang political career. Sa malamang, ang sinumang politiko na magmungkahi ng karagdagang buwis ay tiyak na matatalo sa sususnod na halalan. Samantalang sa inflation, hindi maaapektuhan ang political career ng sinuman at makukuha pa nila ang inaasam na buwis na hindi gaanong napapansin ng mga mamimili.
Hindi maganda ang idinudulot ng paglaki ng supply ng fiat currencies sapagkat hindi nakikita ng mga mangagawa ang kabawasan sa kanilang sahod. Sa akala nila, mabibili pa rin nila ang mga dating nabibili nila ng hindi pa tumataas ang supply ng pera. Sa cryptocurrencies, hindi ito maaaring gawin ng gobyerno sapagkat ang supply ng crypto ay itinatakda ng code o ng protocol.
Economic Issues in Developing Countries
Ang ikalawang insight na aking nais na bigyan diin ay ang tungkol sa pangunahing economic issues ng mga developing countries. Kasama rito ang limitadong access sa mga financial services, mababang antas ng social trust, at mga tiwaling institusyon ng pamahalaan. Ang teknolohiya ng cryptocurrency ay maaaring magamit upang labanan ang katiwalian sa papamagitan ng pagkakaroon ng isang transparent system upang masubaybayan ang paggamit ng pondo ng bayan.
Financial Inclusion
Ang ikatlong insight ay may kinalaman sa potential ng cryptocurrencies para maisakatuparan ang minimithing financial inclusion. Nabanggit ng sumulat na ang mga crypto wallets ay maaaring magsilbing bank accounts na kung saan ang mga users ay maaaring makapag-ipon ng kapital at magsagawa ng daily transactions na hindi kinakailangan magbayad ng mataas na transaction fee. Para sa akin, ang realization ng pangarap na ito ay makikita dito sa Hive. Imagine, you can trade your tokens on various decentralized exchanges built on Hive almost feeless. Nais ko ring idagdag ang ideya ng micro-earning at micro-investment. Sa abot ng aking kaalaman, ito ay bago at hindi mo ito makikita sa tradisyonal na sistema ng pananalapi.
Mass Adoption
Ang panghuli na nais kong banggitin ay ang tungkol sa resulta ng panayam sa mga eksperto na isinagawa ng researcher. Ayon sa mga eksperto, hindi pa gaanong napapansin ang cryptocurrencies sa mga developing countries sa dahilan na ang teknolohiya nito ay nasa infant stage pa lamang. Bunga nito, limitado pa sa kasalukuyan ang paggamit ng cryptocurrencies. Ayon sa kanilang pananaw, ang mga positibong epekto ng mga cryptocurrencies ay mangyayari lamang kung magkakaroon ng mass adoption.
Hanggang dito na lamang ang artikulong ito at maraming salamat sa inyong oras.
@arlenec2021 mam may pm ako sayo dito sa peakd.
Maraming salamat sa tagalog na akda mo.
Rodel Catajay, aka guruvaj, an active curator of D.Buzz and HivePh communities.
He has a regular FB Live Webcast
☛ Every Sunday, 8:30 PM Philippine time: What'z Up D.Buzz🐝 in Tagalog
Follow, share and engage👨🏫
Facebook:
https://www.facebook.com/rmcatajay
Subscribe to my fb page ☝🏻
🐝
Wala pong anuman.
☕️