Symptoms and Causes of Spiritual Depression: A Pastoral Perspective

avatar
(Edited)

I just finished attending Public Worship at DasPres. The topic is about Spiritual Depression. Ptr. Ernie discussed the introduction in his planned series. Next week he plans to continue this and there he will discuss Psalm 42. As he introduced his topic, he made a disclaimer that his message was not based on scientific studies or the views of psychologists and psychiatrists. Rather, it is based on a Pastor's perspective.

Examples of Depression in The Bible

He divided his message into two parts: symptoms and causes of depression. He mentioned that even the characters in the Bible experienced this too. David, Elijah, Jonah, Paul, and even Jesus Christ experienced great sadness and worry. David talked to his soul about why he was so depressed. After the great victory on Mount Carmel against the prophets of Baal, Elijah asked God to take his life. He was probably afraid and depressed when he heard about Jezebel's threat to his life. Likewise, Jonah was not happy about the Ninevite's repentance. In his anger, he asked the Lord to take his life. In Jesus' case, he cried why the Father abandoned him in the time of his extreme suffering on the cross of Calvary.

Symptoms of Depression

The symptoms of depression vary according to Ptr. Ernie. There are also different masks that people wear to hide their depression. People are smiling outside but their hearts are filled with sadness. Some don't want to talk and socialize with people. All they want is to be left alone. There is also this symptom of sleeplessness. Some people are difficult to talk to; there is no coherence in their stories; they are confusing. It is only a manifestation of disturbed thinking.

Ptr. Ernie mentioned incidents in America when wives were angry with their husbands. Wives expressed their anger by maxing the credit card in their shopping and they don't care if their husbands get a headache paying the credit company. I thought it was just hearsay. There are situations where excessive shopping is like therapy for them.

Two of the worst symptoms of depression are suicidal tendencies and refusing to get up in the morning to go to work. Examples of suicidal tendencies are lashing the wrist and taking poison. Such people should always have a companion to talk to. Refusal to work will only make the situation worse; a person sinks deeper into the quagmire of depression.

Causes of Spiritual Depression

When it comes to the causes of depression, Ptr. Ernie identified a few of them. The first thing is sin. Hiding it causes not only pain in the soul, but in the mind and even in the body. Some people find it difficult to forgive themselves even though they have been forgiven by God.

Another reason is being too tired from work and life. Mothers are given as examples. They are short on money, have many chores at home, and have numerous bills to pay, adding to the problems of the husband and the children until they have reached the extreme and they would say, "That's enough, I am tired." In these situations, the practical advice of Ptr. Ernie is to take a rest, eat well, sleep on time, and exercise.

If overwork is exhausting, so is inactivity. The example mentioned is the retirees. They have been living for a long time working. By the time they retire, they seem to lose their purpose in life which causes early death.

Having a wrong orientation in life is also a cause of depression. Comparing oneself to others, searching for identity in the position, and not accepting the reality of life. These are just some of the additional causes of depression.

Lastly, the message mentions the work of the enemy, Satan. He doesn't want our lives to be smooth. His purpose is to steal, destroy, and kill.

At the end of the message, Ptr. Ernie reads the invitation of the Lord Jesus as stated in Matthew 11:28-30. It is about the rest that can be found in Jesus through faith, obedience, and service.

As I was listening to the message, two things came to my mind:

First is the heartfelt gratitude to God for calling me back to this school to serve. Although there were times when I was tired and disgusted with the school system and culture, my gratitude to God still prevailed.

The second thing that came to my mind is about the importance of studying the country's economic and tax laws. With this, my reference to the financial problem that is often the cause of depression for many will be more concrete.

Thank you very much for taking the time to read this article. May the grace and peace of the Lord be with you!

-0-0-0-

Katatapos ko lang dumalo ng Public Worship sa DasPres. Ang paksa ay tungkol sa Spiritual Depression. Tinalakay ni Ptr. Ernie ang panimula sa binabalak niyang series. Sa susunod na linggo ay plano niyang ipagpatuloy ito at doon niya tatalakayin ang Psalm 42. Bago sinimulan ni Ptr. Ernie ang kaniyang pananalita, meron siyang disclaimer na ang kaniyang mensahe ay hindi base sa scientific na pag-aaral o sa pananaw ng mga psychologists and psychiatrists. Sa halip, ito ay batay sa pananaw ng isang Pastor.

Mga Halimbawa sa Biblia

Hinati niya ang kaniyang mensahe sa dalawang parte: mga sintomas at mga sanhi ng depression. Binanggit niya na maging ang mga tauhan sa Biblia ay nakaranas din nito. Sina David, Elijah, Jonah, Pablo at maging si Hesukristo ay nakaranas ng labis na kalungkutan at pag-aalala. Kinausap ni David ang kaniyang kaluluwa bakit siya labis na nalulumbay. Pagkatapos ng malaking tagumpay sa bundok ng Carmel laban sa mga propeta ni Baal, hiniling ni Elijah sa Diyos na kunin na lamang ang kaniyang buhay. Siya marahil ay nakaramdam ng labis na takot at panlulumo png mabatid niya ang banta ni Jezebel sa kaniyang buhay. Gayundin si Jonah, hindi niya ikatuwa ang nangyaring pagbabalik loob sa Diyos ng mga tao sa Niniveh. Sa kaniyang galit, ay hniling niya sa Panginoon na kunin na lamang ang kaniyang buhay. Sa kaso ni Jesus, binanggit niya sa krus ng kalbaryo na siya ay nilisan ng kaniyang Ama.

Mga Sintomas ng Depression

Iba-iba ang mga sintomas ng depression ayon kay Ptr. Ernie. Iba-iba rin ang mga maskara na suot ng mga tao para maikubli ang kanilang depression. Mayroon na nakangiti sa labas subalit puno ng kalungkutan ang kanilang mga puso. Meron naman na ayaw magsalita at makihalubilo sa mga tao. Ang gusto lang ay laging mapag-isa at masaya na sila dito. Mayroon ding hirap makatulog sa gabi at magulo kausap, hindi mo maintindihan ang kaniyang mga kuwento. Ito ay manifestasyon lamang ng bagabag na pag-iisip. Naikuwento rin ni Ptr. Ernie na sa America, pag galit ang asawang babae sa kanilang husband, credit card ang pinagbubuntunan ng pansin; minamax-out nila ito sa kanilang pagsa shopping at wala silang pakialam kung sumakit ang ulo ng kanilang asawa sa pagbabayad sa credit company. Akala ko ito ay sabi-sabi lang. Mayroon pala talagang mga situwasyon na ang excessive shopping ay parang therapy sa kanila.

Ang dalawa sa pinakamalalang sintomas ng depression ay ang suicidal tendency at ang pagtangging bumangon sa umaga para magtrabaho. Paglalaslas ng pulso at pag-inom ng lason. Ang ganitong mga tao ay dapat na laging may kasama at kausap. Ang pagtangging magtrabaho ay lalong magpapalala sa situwasyon. Kung magkagayon lalong malulubog ang isang tao sa kumunoy ng depression.

Mga Sanhi ng Depression

Pagdating sa mga sanhi, marami ding nabanggit si Ptr. Ernie. Isa na rin ay ang kasalanan. Ang pagtatago nito ay nagiging dahilan hindi lamang ng sakit sa kaluluwa, kundi sa isip at maging sa katawan. May mga tao din na hirap silang patawarin ang kanilang sarili sa kabila ng katotohanan na sila ay pinatawad na ng Diyos.

Isa ring sanhi ay sobrang pagod sa trabaho at sa buhay. Binaggit na halimbawa ang mga ina ng tahanan na kapos sa pananalapi, maraming gawain sa bahay at mga bills na dapat bayaran, dagdag pa ang suliranin sa asawa at sa mga anak hanggang sa sila ay umabot na sa sukdulan at kanilang masasabi, "Tama na, pagod na ako." Sa ganitong mga situwasyon, ang practical na advice ni Ptr. Ernie ay magpahinga, kumain ng maayos, matulog sa oras, at mag ehersisyo.

Kung ang labis na trabaho ay nakakapagod, gayundin ang mga tao na walang pinagkakaabalahan. Ang halimbawang nabanggit ay ang mga retirado. Sila ay nasanay sa loob ng mahabang panahon na nagtatrabaho. Sa oras na sila ay magretire, parang nawawalan na sila ng purpose sa buhay na nagiging sanhi ng maagang kamatayan.

Ang pagkakaroon ng maling orientasyon sa buhay ay isa ring sanhi ng depression. Ang paghahambing ng sarili sa iba. Ang paghahanap ng identity sa posisyon. Ang hindi pagtanggap sa realidad ng buhay. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga karagdagang sanhi ng depression.

Kahuli-hulihan, nabanggit sa mensahe ang gawa ng kaaway, si Satanas. Hindi niya nais na maging maayos ang ating buhay. Ang layunin niya ay magnakaw, mangwasak, at pumatay.

Sa pagtatapos ng mensahe, binasa ni Ptr. Ernie ang paanyaya ng Panginoong Hesuristo na nakasaad sa Matthew 11:28-30. Ito ay patungkol sa kapahingahan na masusumpungan kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya, pagsunod, at paglilingkod.

Habang ako ay nakikinig ng mensahe, dalawang bagay ang pumasok sa aking isipan. Una ay ang taus pusong pasasalamat sa Diyos na ako ay pinabalik niya sa paaralang ito upang makapaglingkod. Bagamat may mga oras na ako ay napapagod at naiinis sa sistema at kultura ng paaralan, nanaig pa rin ang aking pasasalamat sa Diyos.

Ikalawang bagay na sumagi sa aking isipan ay patungkol sa kahalagahan ng pag-aaral sa economic and tax laws ng bansa. Sa pamamagitan nito, mas magiging konkreto ang aking pagtukoy sa suliranin ng pananalapi na kadalasan ay sanhi ng depression ng marami.

Marami pong salamat sa inyong oras na inilaan sa pagbabasa ng artikulong ito. Sumainyo ang biyaya at kapayapaan ng Panginoon.



0
0
0.000
6 comments
avatar

Depression kailangan mo ng kausap unahin mo kausapin ang panginoon

0
0
0.000
avatar

Yeehaw! What a powerful message on overcoming Spiritual Depression, partner! Keep your spirit high and remember, tough times don't last, but tough folks do!

0
0
0.000
avatar

Thanks for that encouraging response.

0
0
0.000
avatar

Happy to ride alongside ya, partner! Keep spreadin' kindness like a prairie wildfire, and let that hope light up your path ahead. Stay strong and steady on the trail!

0
0
0.000
avatar

Thanks again!

0
0
0.000
avatar

Keep wranglin' those positive thoughts and spreadin' kindness like wildflowers on the prairie! Your trail-blazin' spirit shines bright in this community.

0
0
0.000