Three Most Promising Tap 2 Earn (T2E) Games
In response to the call by @leofinance, I would like to contribute this article as an entry to Task # 3, the content creation of clicker games or Tap to Earn (T2E) games on Telegram.
List of Top Clicker Games
Last night, I saw on the Clicker Apps Channel the list of Top 128 Crypto Clicker Apps on Telegram. I reviewed the list to see how many of them I have been playing. Hamster Kombat comes first and TapSwap comes in second. Yescoin is fourth and Major is fifteenth. Chick Coop is seventeenth and W-Coin is twenty-first. Gemz is twenty-fourth and Catizen is twenty-sixth. PixelTap and MemeFi Coin followed it in the twenty-seventh and twenty-eighth positions. Not Bored Puppies is thirty-eight and Gamee is sixtieth.
Gamee along with Memeland and TapTether is what I want to cover in this article. I don't know yet if the other two are included in the list of top 128 clicker apps.
Hamsterdam is eighty second and TapCoins is ninety second. Rocky Rabbit occupies the 99th place and BOOM the 106th. They were followed by Sheep Swap and Dogs in the 115th and 118th positions. Surprisingly the pioneer of T2E, Notcoin is still at 125 position. The list ends with the suggestion that the three most promising crypto projects on the Ton blockchain are Tomarket, Obix, and Gem. I'm not sure if these are T2Es as well.
Top Three Most Promising Clicker Games
I mentioned above that I don't know the position of the two clicker games I chose. I noticed that they are not on the list. I also can't say that my list is better than the list of the 3 most promising crypto games mentioned in the channel because I haven't tried them yet.
The beauty of writing this post is that I found out that the T2E games I'm currently testing are not 15 but 21. Out of these 21, three of them I think are unique for the reason that a player will not only receive In Game Tokens but real cryptocurrencies that currently have market value.
Gamee
The Gamee Community on Telegram was formed on 20 September 2020. This means that this game will be four years old two months from now. I checked the channel posts to find out how to earn tokens in the game.
Earn
You will notice in the picture above that this T2E game has five tabs. A player must start on the "Earn" tab. Here you will see the tasks that must be done for you to receive "G tickets." You can use these tickets either to upgrade your mining cap or you can use them in the draw to receive USDT.
Mine
The "Mine" tab was created by WatBird for players to mine WatPoints (WP). The default mining rate is 5 WP per hour. Currently, my mining rate is 15 WP per hour and my mining capacity is only 47.5 WP. Your WP mining cap will increase if you use G-tickets to upgrade. When the mining time is over, you need to click the tab that says restart mining.
Spin
You can spin 3x or more for free in one day. The reward you will receive is either G-tickets or USDT. If you want to continue spinning the roulette after your spins are exhausted, you can use the tickets you won to pay. I noticed that on the second spin that gets 50 G-tickets, a window opens to promote other T2E games. I made the mistake at first of paying 500 tickets in one spin. Right now, I only pay if the value of a spin is only 50 tickets. I stop when the amount reaches 100 or the G-tickets that I received as a reward in the spin will be less than what I will pay.
Watdrop
The tab that is unclear to me is Watdrop. I am wondering why although I have 137 WP, 0 is listed in my balance under the Watdrop tab. Additionally, there is a notification that you can earn more WP if you stake GMEE.
I checked GMEE on coinmarketcap.com. I noticed that Gamee is number 656 in the cryptocurrency list on coinmarketcap.com and GMEE, its token is currently worth $0.02892. That means I need to have GMEE to stake it and earn WP. The utility of WP is not clear to me so I don't see the need to buy GMEE and staking it.
In the Watdrop tab, when you click on "Stake GMEE," it will open another window telling you that you need to connect your wallet. The case is, when I click the "connect wallet" tab, this is what comes up:
It's tiring to maintain multiple wallets. I have a Trust wallet but it didn't work maybe because it didn't have any funds. As for MetaMask, I haven't used it in a while. BraveWallet, I used it last year when I sent my BAT to a Hivian with the agreement that he would give me 50% of the value via $HIVE.
Wallet
The last tab is a wallet. For me, this will determine if this game is legit or not. In 2 days, I received 0.42 USDT in the draw. The minimum withdrawal is 10 USD. So far, my Ton wallet is connected to Telegram in Gamee. We will know if I can withdraw in the coming months that is if my rewards reach 10 USDT.
I would have liked to cover the remaining two T2E games, TapTether Bot and Memeland, otherwise, this post seems too long and might be boring to the readers. God willing, I will discuss the remaining two games separately in the next article.
Reminder
I do not suggest investing money in any T2E games mentioned in this article. Like most of us, we can't deny that Tap-to-Earn is the trend nowadays as is proven by the high number of subscribers that reaches a hundred million or more than ten million within a few weeks or a few months. That is amazing. Let's keep our minds alert to these events because scammers and con artists are likely to take advantage of this trend. Extra caution is needed as we investigate the opportunities that T2E games can provide.
Grace and peace!
Bilang tugon sa panawagan ni @leofinance, nais kong ilahok ang artikulong ito bilang entry sa Task # 3, ang content creation ng clicker games or Tap to Earn (T2E) games sa Telegram.
Listahan ng mga Nangungunang Clicker Games
Kagabi, nakita ko sa Clicker Apps Channel ang listahan ng Top 128 Crypto Clicker Apps sa Telegram. Sinuri ko ang listahan at tiningnan ko kung ilan sa mga ito ang kasalukuyang nilalaro ko. Nangunguna ang Hamster Kombat at pumapangalawa ang TapSwap. Pang-apat ang Yescoin at panlabinglima ang Major. Ang Chick Coop ay panglabingpito at pangdalawaput-isa ang W-Coin. Pangdalawamput apat naman ang Gemz at pangdalawaput-anim ang Catizen. Ito ay sinundan ng PixelTap at MemeFi Coin sa ikadalawampu't pito at ikadalawampu't walong posisyon. Pang tatlumpu't walo naman ang Not Bored Puppies at pang-animnapu ang Gamee.
Ang Gamee kasama ng Memeland at TapTether ang nais kong icover sa artikulong ito. Hindi ko pa alam kung pang-ilan sa listahan ang natitirang dalawa o kung kasama ba sila sa mga top 128.
Ang Hamsterdam ay pang walampu't dalawa at ang TapCoins ay pangsiyanampu at dalawa. Pang ninety nine naman ang Rocky Rabbit 106 ang BOOM. Ito ay sinundan ng Sheep Swap sa at Dogs sa 115 at 118th positions. Nakakagulat na ang pioneer ng T2E, ang Notcoin ay nasa pang 125 position. Natapos ang listahan sa suggestion na ang tatlong most promising crypto projects sa Ton blockchain ay ang Tomarket, Obix, at Gem. Hindi ko tiyak kung mga T2E rin ang mga ito.
Top Three Most Promising Clicker Games
Nabanggit ko sa itaas na hindi ko alam ang posisyon ng dalawang clicker games na napili ko. Napansin ko na wala ang mga ito sa listahan. Hindi ko rin masasabi na mas mainam ang listahan ko kaysa sa listahan ng 3 most promising crypto games na binanggit sa channel sa dahilang hindi ko pa naman nasubukan ang mga ito.
Ang kagandahan sa ginawa kong pagsaling ito sa palahok ay nalaman ko na hindi pala 15 kndi 21 ang T2E games na sinusubukan ko sa kasalukuyan. Sa 21 na ito, tatlo rito ang sa tingin ko ay kakaiba sa dahilan na hindi lamang In Game Tokens ang matatanggap ng isang manlalaro kundi mga totoong cryptocurrencies na kasalukuyang may value na sa market.
Gamee
Ang Gamee Community sa Telegram ay nabuo noong 20 September 2020. Ibig sabihin mag aapat na taon na ang game na ito two months from now. Sinuri ko ang mga posts sa channel upang malaman kung papaano kikita ng tokens sa game.
Earn
Inyong mapapansin sa larawan sa itaas na may limang tabs ang T2E game na ito. Ang isang player ay kinakailangan magsimula sa "Earn" tab. Dito ay iyong makikita ang mga tasks na dapat gawin upang ikaw ay makatanggap ng "G tickets." Maaari mong gamitin ang tickets na ito either para maupgrade ang iyong mining cap o dili kaya ay magamit mo sa draw para tumanggap ng USDT.
Mine
Ang "Mine" tab ay nilikha ni WatBird para magmina ng WatPoints (WP) ang mga players. Ang default mining rate ay 5 WP bawat oras. Sa kasalukuyan, ang aking mining rate ay 15 WP per hour at ang aking mining capacity ay 47.5 WP lamang. Tataas ang mining cap mo ng WP kung gagamitin mo ang G-tickets sa pag-upgrade. Pag natapos ang oras ng mining, kailangan mong i-click yong tab na nagsasabi na restart mining.
Spin
Ikaw ay maaaring magspin ng 3x o higit na walang bayad sa loob ng isang araw. Ang reward na iyong matatanggap ay either G-tickets or USDT. Kung nais mo pang tumuloy sa pagspin ng roleta pagkatapos maubos ang iyong spins, maaari mong gamitin na pambayad ang tickets na iyong napanalunan. Napansin ko na sa ikalawang spin na nagkakahala ng 50 G-tickets ay nagbubukas ang isang window para ipromote ang iba pang T2E games. Nagkamali ako nang una na magbayad ng 500 tickets sa isang spin. Sa ngayon, nagbabayad lamang ako kung ang halaga ng isang spin ay 50 tickets lamang. Tumitigil na ako pag umabot ang halaga sa 100 o dili kaya ay mas mababa yong G-tickets na napanalunan ko sa spin kaysa sa ibabayad ko.
Watdrop
Ang tab na malabo sa akin ay ang Watdrop. Nagtataka ako na bagamat may 137 WP na ako, 0 ang nakalagay sa balance ko sa ilalim ng Watdrop tab. Bukod pa dito, may notification na pwede kang kumita ng karagdagang WP kung mag-istake ka ng GMEE.
Tsinek ko ang GMEE sa coinmarketcap.com. Napansin ko na ang Gamee ay pang 656 sa listahan ng cryptocurrency sa coinmarketcap.com at ang GMEE, ang token nito ay nagkakahalaga ng $0.02892 sa kasalukuyan. Ibig sabihin, kailangan akong magkaroon ng GMEE para mastake ito at kumita ako ng WP. Hindi ko maintidihan ang utility ng WP kaya hindi ko nakikita ang pangangailangan ng pagbili ng GMEE at pagstake nito.
Sa Watdrop tab, pagknilick mo ang "Stake GMEE," ito ay magbubukas ng panibagong window na magsasabi sa iyo na kailangan mong i-connect ang iyong wallet. Ang kaso, ng i-click ko ang "connect wallet" tab, ito ang lumabas:
Nakakapagod magmaintain ng maraming wallets. May Trust wallet naman ako pero hindi gumana siguro dahil wala itong lamang pondo. Ang MetaMask naman, matagal ko na itong hindi ginagamit. Ang BraveWallet, huli ko itong ginamit nakaraang taon pa ng ipadala ko ang aking BAT sa isang Hivian sa kasunduan na 50% ng halaga ay ibibigay niya sa akin sa pamamagitan ng $HIVE.
Wallet
Ang huling tab ay wallet. Para sa akin, ito ang magtatakda kung legit ba talaga ang game na ito o hindi. Sa loob ng 2 araw, nakatanggap ako ng 0.42 USDT sa draw. Ang minimum withdrawl ay 10 USD. So far, connected naman ang Ton wallet ko sa Telegram sa Gamee. Malalaman natin kung makakapagwithdraw nga ako sa darating na mga buwan yan ay kung aabot sa 10 USDT ang aking rewards.
Nais ko pa sanang i-cover ang natitirang dalawang T2E games, ang TapTether Bot at Memeland, ang kaso mukhang napahaba na ang post na ito at baka maging boring na sa mga mambabasa. God willing, tatalakayin ko na lamang ng bukod ang natitirang dalawang games sa susunod na artikulo.
Paalala
Hindi ko iminumungkahi na mag-invest ne pera sa anumang T2E games na nabanggit sa artikulong ito. Katulad ng karamihan sa atin, hindi natin maitatanggi na ang Tap-to-Earn ang trend sa kasalukuyan ay ito ay pinatutunayan ng mataas na bilang ng subscribers na umaabot sa daang milyon o higit sa sampung milyon sa loob ng ilang linggo o ilang buwan. Yan ay kamangha-mangha. Manawari ay manatiling alisto ang ating mga isipan sa mga kaganapang ito dahil sa malamang ay naglipana rin ang mga scammers and con artists upang samantalahin ang trend na ito. Ibayong pag-iingat po ang kailangan habang sinisiyasat natin ang mga oportunidad na maaaring ibigay ng T2E games.
Biyaya at kapayapaan!
Posted Using InLeo Alpha
Congratulations @rzc24-nftbbg! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 65000 upvotes.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Check out our last posts: