Shifting Sands: Democrats' Surprising Support for Crypto
Seventy-one Democrats voted in favor of Bill Fit 21. That's surprising because the Democrats are a political camp opposed to cryptocurrency. What do the changing winds of US politics mean? Is this the fulfillment of what analysts said a few years ago that politicians’ position on cryptocurrency will determine careers?
Democrats seem alarmed if they continue to be stubborn in their opposition to cryptocurrency. Separating the position of Democrats who voted in favor of the bill and Biden's position on crypto means a lot. The Democrats' camp is divided on their stance on cryptocurrency. It seems to be true that in politics, the most important thing is not the principle but staying in the position and any politician is ready to leave their previous stance for the sake of their political career.
What will happen to Gary Gensler as a result of the change of wind in US politics? Can he be picked from the swamp, which is the place he deserves? The eyes and ears of the Democrats seem to be opening. It seems they don't want to listen to Gensler's voice anymore. That’s good!
I find it funny reading that not only Trump, but Biden himself who is anti-crypto is also ready to accept crypto donations. If this is true, this political clown show is ridiculous.
Trump, too, has a thick face to call himself the "crypto president". That’s the color of politicians. Just to stay in power, they are even willing to catch flying knives. Nevertheless, there’s nothing new and we shouldn't be surprised.
What I wonder about is the very crypto advocates who are eager and hungry when it comes to the endorsement of politicians. It seems that the days are over or forgotten that cryptocurrency appeared in the first place to fight the rotten political and financial system.
Pitumpo't isang Democrats ang bumuto ng pabor sa Bill Fit 21. Surprising yan sa kadahilanan na ang Democrats ay kampo ng mga salungat sa cryptocurrency. Ano ang nais ipahiwatig ng pagbabago ng ihip ng hangin sa politika sa US? Ito na ba ang katuparan ng sinasabi ng mga analysts ilang taon na ang nakalipas na ang posisyon ng isang politiko sa cryptocurrency ang magtatakda ng kaniyang kinabukasan?
Mukhang kinakabahan ang mga Democrats kung patuloy silang magmamatigas sa kanilang pagsalungat sa cryptocurrency. Ang paghihiwalay ng posisyon ng mga Democrats na bumuto pabor sa bill at ng posisyon ni Biden sa crypto ay malaki ang ibig sabihin. Hati ang Democrats camp sa kanilang paninindigan sa cryptocurrency. Mukhang totoo nga na sa politika, ang pinakamahalaga ay hindi ang prinsipiyo kundi ang pananatili sa posisyon at handa ang sinumang politiko na lisanin ang kanilang dating paninindigan alang-alang sa kanilang political career.
Ano naman kaya ang mangyayari kay Gary Gensler bunga ng pagbabago ng ihip ng hangin sa politika sa US? Pulutin kaya siya sa kangkungan na siyang nararapat lang?Mukhang namumulat na ang mga mata at mga tainga ng mga Democrats. Mukhang ayaw na nilang pakinggan ang tinig ni Gensler. Mabuti naman.
Natatawa rin ako na hindi lamang si Trump, kundi si Biden mismo na anti-crypto ay handa rin palang tumanggap ng crypto donation. Kung totoo ito, aba e katawa-tawa nga ang political clown show na ito.
Si Trump, matigas din ang mukha na tawagin ang kaniyang sarili na “crypto president”. Talagang ang mga politiko nga naman. Manatili lang sa position, kahit kumapit sa patalim, ay handang gawin. Sabagay, hindi na yan bago at hindi na natin dapat yan ikagulat.
Ang labis na ipinagtataka ko talaga ay mismong ang mga crypto advocates na sabik at gutom na gutom pagdating sa endorsement ng mga politiko. Mukhang tapos na yata ang mga araw o nalimutan na yata na kaya lumitaw ang cryptocurrency in the first place ay para labanan ang bulok na sistema sa politika at sa pananalapi.
Posted Using InLeo Alpha
👏 Keep Up the good work on Hive ♦️ 👏
❤️ @bhattg suggested sagarkothari88 to upvote your post ❤️
🙏 Don't forget to Support Back 🙏