Insights on Tokenizing the Banking System

avatar
(Edited)

Prompt: Cryptocurrency and the Banking Industry

Tokenizing the banking system is an idea that I first heard from TM. With such a preliminary idea about the relationship between crypto and banking, this interview will naturally appeal to me. Selva Ozelli conducted this interview exclusively for crypto.news.

In this article, I want to note and reflect on three insights I learned in reading the above interview:

Thoughts on Tokenizing the Banking System

The first thing I learned is the distinction between digitizing and tokenizing. In my mind, I understand these two terms almost as synonymous. I never realized that the world had already been digitalized for some time before the introduction of the idea of tokenization.

For the interviewee, money and payments have already evolved from digitization to tokenization. This transition carries with it new benefits and risks. In traditional digitization, ledger balances on commercial banks’ databases play a major role. On the other hand, in tokenization, the recording of assets is done on blockchains and distributed ledgers. This we all know if we have been using the blockchain network for quite some time. However, to receive confirmation from an “expert” in the field is a different matter. It adds conviction that we are on the right track with what we are doing here on Hive.

Moreover, challenges are recognized with the tokenization of assets. Nevertheless, despite the challenges, tokenization is already showing undeniable benefits. As such, many financial institutions now are exploring tokenization to revolutionize value transfer through blockchain technology.

Challenges and Risks Tokenization will Introduce to the Banking Industry

With undeniable benefits come also challenges and risks particularly those related to technological and operational aspects. Key issues include whether there will be a few unified, interoperable ledgers or multiple bank-maintained blockchains, and how interoperable these platforms will be for secure global transactions. Cybersecurity and financial risk management are critical concerns too. Legal, regulatory, and tax frameworks for digital assets vary by country, complicating cross-border ownership and rights. And this is the reason why institutions like the FAFT and OECD are now working on establishing global standards in money laundering and tax laws.

USDT and Its Illicit Use

The interview concluded with a discussion of USDT and its recent illicit use. USDT is a fiat-backed stablecoin launched by Tether Limited Inc. in 2014. As of May 2024, USDT operates on 14 protocols and blockchains and is the largest stablecoin with a market capitalization of 112 billion USD. However, despite being considered a safe hedge against digital asset volatility, concerns about USDT's systemic risk to digital and broader financial markets persist. Ozelli asked the opinion of the interviewee regarding the connection of USDT to 19.3 billion USD illicit transactions in 2023. As such, USDT was branded as “the most used stablecoin for criminal activity last year.”

The interviewee responded that beginning 01 December last year, USDT has been cooperating with law enforcement and regulatory agencies by publishing daily records of reserve assets, including a wallet-freezing policy and partnering with Chainalysis to monitor transactions for illicit activities.

-0-0-0-

Ang tokenization ng banking system ay isang ideya na una kong narinig mula kay TM. Dahilan sa panimulang kaalamang ito, natural lamang na matawag ang aking pansin sa isang panayam ukol sa kaugnayan ng cryptocurreny at banking industry. Isinagawa ni Selva Ozelli ang panayam na ito para lamang sa crypto.news.

Sa artikulong ito, nais kong ibahagi at pagnilayan ang tatlong mga pananaw na natutunan ko sa pagbabasa ng panayam sa itaas:

Mga Kaisipan sa Tokenizing ng Banking System

Ang unang bagay na natutunan ko ay ang pagkakaiba sa pagitan ng digitizing at tokenizing. Ang akala ko, ang dalawang terminong ito ay halos magkasingkahulugan. Hindi ko napagtanto na ang mundo pala ng pananalapi ay matagal ng na-digitalize bago pa ipakilala ang ideya ng tokenization.

Para sa kinapanayam, ang pera at mga pagbabayad ay nagbago na mula sa digitization tungo sa tokenization. Ang paglipat na ito ay nagdadala ng mga bagong benepisyo at panganib. Sa tradisyunal na digitization, ang mga ledger balances sa mga database ng komersyal na bangko ay gumaganap ng malaking papel. Sa kabilang banda naman, sa tokenization ang pagtatala ng mga assets ay ginagawa sa mga blockchain at distributed ledger. Ito ay alam nating lahat kung matagal na nating ginagamit ang blockchain network. Gayunpaman, ang pagtanggap ng kumpirmasyon mula sa isang "eksperto" sa larangan ay ibang bagay. Nagdaragdag ito ng paniniwala na nasa tama tayong direksiyon sa ginagawa natin dito sa Hive.

Bukod dito, kinikilala ang mga hamon sa tokenization ng mga asset. Gayunpaman, sa kabila ng mga hamon, ang tokenization ay nagpapakita na ng hindi maikakaila na mga benepisyo. Dahil dito, maraming institusyong pampinansyal ngayon ang nag-e-explore ng tokenization para baguhin ang value transfer sa pamamagitan ng blockchain technology.

Ang mga Hamon at Mga Panganib ng Tokenization sa Banking Industry

Kaugnay ng mga benepisyo ay kaakibat din nito ang mga hamon at panganib lalo na ang mga nauugnay sa mga aspetong teknolohikal at operational. Kabilang sa mga pangunahing isyu ay kung magkakaroon lamang ng ilang pinag-isang, interoperable ledger o maramihang bank-maintained blockchain, at kung gaano ka-interoperable ang mga platform na ito para sa higit na ligtas na pandaigdigang transaksyon. Ang cybersecurity at pamamahala sa peligro sa pananalapi ay mga kritikal na alalahanin din. Ang mga legal, regulasyon, at tax framework para sa mga digital na asset ay iba-iba depende sa bansa, na naggiging sanhi ng kumplikasyon sa cross-border na pagmamay-ari at mga karapatan. At ito ang dahilan kung bakit ang mga institusyon tulad ng FAFT at OECD ay nagtatrabaho ngayon sa pagtatatag ng mga pandaigdigang pamantayan sa money laundering at mga batas sa buwis.

USDT at ang Iligal na Paggamit Nito

Ang panayam ay nagtapos sa talakayan ng USDT at kamakailang iligal na paggamit nito. Ang USDT ay isang fiat-backed stablecoin na inilunsad ng Tether Limited Inc. noong 2014. Noong Mayo 2024, ang USDT ay tumatakbo sa 14 na protocol at blockchain at ito ang pinakamalaking stablecoin na may market capitalization na 112 bilyong USD. Gayunpaman, sa kabila na itinuturing na stable ang token ito na panlaban sa volatility ng digital asset, hindi pa rin maiaalis ang mga alalahanin tungkol sa sistematikong panganib ng USDT sa mga digital at mas malawak na pamilihan sa pananalapi. Tinanong ni Ozelli ang opinyon ng kinapanayam tungkol sa koneksyon ng USDT sa isang 19.3 bilyong USD na ipinagbabawal na transaksyon noong 2023. Dahil dito, ang USDT ay binansagan bilang "pinaka ginagamit na stablecoin para sa kriminal na aktibidad noong nakaraang taon."

Sumagot ang kinapanayam na simula noong Disyembre 1 ng nakaraang taon, ang USDT ay nakikipagtulungan sa mga nagpapatupad ng batas at mga ahensya ng regulasyon sa pamamagitan ng paglalathala ng mga pang-araw-araw na talaan ng mga reserbang asset, kabilang ang “wallet freezing policy” at pakikipagtulungan sa Chainalysis upang subaybayan ang mga transaksyon para sa mga ipinagbabawal na aktibidad.

References:

Crypto and banking: tokenization of the global financial system is yet to come

https://coinmarketcap.com/currencies/tether/

The Illicit Crypto Economy

Posted Using InLeo Alpha



0
0
0.000
0 comments