Cent Tribe's Crypto Event: Highlighting Pi Network Amidst Hive Slump

avatar
(Edited)

Source

@anadolu called my attention to this link. This is regarding the announcement of the first Community Wars and Battles to be held using the InLeo platform. The article mentions some communities that can participate and Cent is included. These wars and battles are weekly and monthly and aim to have daily active participation by the members of the communities. The reward to be received is an increased LEO Power delegation and a free premium subscription.

In response to the call, @anadolu also announced an event for the Cent tribe. He knows that the morale of the Hive community is low due to the drop in the price of the native token back to three years ago. This is not expected by many so the normal reaction of most is to keep quiet and observe. To combat the decline in community morale, the creator of the Cent community thought of creating an event where members of the Cent tribe can share their favorite cryptocurrency outside of Hive. The community member needs to explain why he chose that token.

The rule for joining is to use the #cent tag in the post, whether it's a thread or a long article. The post must be made on the Cent community page and InLeo. The article link can also be shared in the post-promotion channel on Cent's Discord server to receive additional rewards.

So far, the instructions in the two announcements are clear. However, choosing a cryptocurrency outside of Hive was not easy for me. This is because I don't know any cryptocurrency other than HIVE and the Pi. I mentioned in this article that before I joined Hive in August 2021, Pi Network was the first blockchain community I joined. So that means, at that time I had no idea what blockchain was and what cryptocurrency was. My joining the Hive was providential because I didn't plan it. I was looking for a blockchain-based NFT game with a cheap entry price. At that time, Axie Infinity was very popular and an account was very expensive. It is against my trading philosophy to enter a flying stock. This is also my belief when it comes to blockchain-based games. It is our IT who recommended Splinterlands to me and the entry price is only 10 USD. So, I didn't think twice about joining and that was the beginning that I found a hidden treasure that is more than the blockchain-based game that I was looking for, and this is the Hive blockchain network.

When I entered Hive, I was able to compare the characteristics of two networks, Hive and Pi. I realized that although the goal of Pi Network is also decentralization, I can't get rid of the doubt about how they will do it because they have many mechanisms that are against decentralization such as KYC, distribution of 20% of the total token supply to the core team, and the identifiable company behind the Pi Network including its creators. So, if the Pi Network ever gets into legal trouble, the United States government can just easily file a case against the people behind the Pi Network.

Apart from the above, some of the things I don't like about this network are the over-hyping of the price of the token and the fact that until now I don't know of any decentralized apps that are already standing on the Pi blockchain. Unlike Hive, there are over 100 dApps and many other Hive projects are in the pipeline. While some of these dApps are questionable, Hive still has an undeniable edge over Pi.

So based on these observations, it is difficult to justify the high price of Pi Network's token. Of course, anything can happen in crypto. Most of the time, what you don't expect is what happens. It may be thought that I am a hypocrite if I say that I don't want Pi's high price while I have this token that I can say is a substantial number, that is if the 54 members that I formed as Pi Ambassadors can also enter the Mainnet. If not, my "mined" Pi is only around 500 since July 2021.

On the positive side and in response to @anadolu's call, I can say that the things I liked about Pi are the following:

  • 10 million KYC'ed pioneers

I don't know how true this is but this is the announcement posted on the official Pi Network channel. If this is true, that is no small number. That is something that makes Pi stand out from other crypto projects. Perhaps the network's mobile app helped boost this number.

  • No ICOs

This is emphatically made clear by the creators of the token that there will be no ICO because they do not want the crypto exchanges to set the price of Pi when it comes to the open market. The network is very proud that they already have large communities in countries like China, South Korea, and Vietnam that use Pi tokens in actual transactions. Again, I am not sure if this news is true. This is what I read in the chats and tweets that have appeared on Twitter since 2021.

  • Mobile apps

I think the Pi mobile app has helped a lot in growing the number of pioneers. Although we cannot say that these pioneers are committed or they understood what they have entered, we still cannot deny that Pi Network's strategy in inviting new members is unique. I mentioned that I developed 54 members in my team and over 100 in the Facebook group chat I created three years ago.

  • Potential capital for Hive

Fourth and lastly what I like about Pi is the possibility that it will give me capital to grow my HIVE Power. When the expected Open Mainnet comes true on June 28 and Pi will have a market price, I will sell 75% of the token I hold to add to my HIVE power.

Perhaps the four things I mentioned are enough why despite my negative view of Pi Network I can still say that it might help me achieve my Hive plan.

-0-0-0-

Tinawag ni @anadolu ang aking pansin sa link na ito. Ito ay patungkol sa announcement ng kauna-unahang Community Wars and Battles na gaganapin gamit ang InLeo platform. Binanggit sa artikulo ang ilan sa mga communities na maaaring makilahok at kasama na rito ang Cent. Ang wars and battles na ito ay lingguhan at buwanan na naglalayon na magkaroon ng daily active participation ang mga kasapi ng mga communities. Ang reward na matatanggap ay increased LEO Power delegation at libreng premium subscription.

Bilang tugon sa panawagan, si @anadolu ay gumawa rin ng isang announcement para sa Cent tribe. Batid ni @anadolu na mababa ang morale ng Hive community dahil sa pagbisita ng price ng native token tatlong taon na ang nakalipas. Ito ay hindi inaasahan ng marami kaya ang normal na reaksiyon ng karamihan ay manahimik at mag obserba. Upang labanan ang pagbaba ng morale ng community, naisip ni @anadolu na bumuo ng isang event na kung saan ang mga kasapi ng Cent tribe ay maaaring magbahagi ng kanilang paboritong cryptocurrency bukod sa mga tokens na nasa Hive Engine. Kailangang ipaliwanag ng community member kung bakit niya napili ang token na yan.

Ang rule sa pagsali ay kinakailangan gamitin ang #cent tag sa post, ito man ay thread o mahabang artikulo. Ang post ay kinakailngan gawin sa Cent community page at sa InLeo. Maaari ding ibahagi ang link ng article sa post-promotion channel sa Discord server ng Cent upang makatanggap ng karagdagang rewards.

So far, malinaw ang instructions sa dalawang announcements. Subalit ang pagpili ng cryptocurrency sa labas ng Hive ay hindi madali para sa akin. Ito ay sa dahilan na wala akong alam na cryptocurrency maliban sa HIVE at sa Pi. Nabanggit ko sa artikulong ito na bago ako pumasok sa Hive noong Agosto 2021, ang Pi Network ang kauna-unahang blockchain community na sinalihan ko. So ibig sabihin, at that time wala pa akong kamuwang-muwang kung ano ang blockchain at kung ano ang cryptocurrency. Ang pagsali ko sa Hive ay providential sapagkat hindi ko ito pinlano. Ako ay naghahanp at that time ng isang blockchain-based NFT game na mura ang entry price. Noong panahon iyan, sikat na sikat ang Axie Infinity at napakamahal ng isang account. Salungat sa aking pilosopiya sa trading ang pumasok sa isang lumilipad na stock. Gayundin ang aking paniniwala pagdating sa blockchain-based game. Kung kaya ng irekomenda ng aming IT ang Splinterlands na 10 USD lamang ang entry price, hindi ako nagdalawang isip na sumali at yon ang simula na natagpuan ko ang isang tagong kayamanan na higit pa sa blockchain-based game na hinahanap ko, at ito ay ang Hive blockchain network.

Sa pagpasok ko sa Hive, doon ko naihambing ang mga katangian ng dalawang networks, ang Hive at Pi. Narealize ko na bagamat decentralization din ang layunin ng Pi Network, hindi maiaalis sa akin ang pagdududa kung paano nila gagawin ito dahil marami silang mekanismo na salungat sa desentralisasyon tulad ng KYC, distribution ng 20% ng total supply ng token sa core team, at identifiable ang company sa likod ng Pi Network kasama na ang mga creators nito. Kung magkagayon sakali mang magkaroon ng legal problem ang Pi Network, malamang na kayang-kayang gawin ng pamahalaan ng Estados Unidos na kasuhan ang mga tao sa likod ng Pi Network.

Bukod sa mga nabanggit, ilan pa sa ayaw ko sa network na ito ay ang sobrang paghype sa price ng token at ang katotohanan na hanggang sa kasalukuyan ay wala akong alam na decentralized apps na nakatayo na sa Pi blockchain. Unlike sa Hive, mahigit 100 na ang dApps at marami pang ibang Hive projects ang nakaabang. Bagamat kwestiyonable ang ilan sa mga dApps na ito, hindi pa rin maiaalis na higit ang kalamangan ni Hive kay Pi.

So base sa mga obserbasyon na yan, mahirap i-justify ang mataas na price ng token ni Pi Network. Of course, anything can happen in crypto. Kadalasan pa nga, yong hindi mo inaasahan ang siyang nangyayari. Maaaring isipin na isa akong ipokrito kung sasabihin ko na ayaw ko ng mataas na price ni Pi samantalang may hawak ako ng token na ito na masasabi kong substantial na ang bilang, yon ay kung makakapasok din sa Mainnet yong 54 members na nabuo ko bilang Pi Ambassador. Kung hindi, halos nasa 500 Pi lang ang “namine” ko since July 2021.

Sa positive side naman at bilang tugon sa panawagan ni @anadolu, masasabi ko na ang mga bagay na nagustuhan ko kay Pi ay ang mga sumusunod:

  • 10 million KYC’ed pioneers

Hindi ko alam kung gaano katotoo ito pero ito ang nakapost na announcement sa official channel ng Pi Network. Kung ito ay totoo, hindi yan maliit na bilang. Yan ay isang bagay na namumukod tangi si Pi sa ibang crypto projects. Marahil nakatulong sa paglaki ng bilang na ito ang mobile app ng network.

  • Walang ICO

Ito ay buong diin na binigyan linaw ng mga creators ng token na walang magaganap na ICO sa dahilan na ayaw nil ana ang mga crypto exchanges ang magtatakda ng price ni Pi pagdating sa open market. Buong ipinagmamalaki ng network na Malaki na ang kanilang mga communities sa mga bansa tulad ng China, South Korea, at Vietnam na gumagamit ng Pi token sa mga kuwala na transaksiyon. Again, hindi ko tiyak kung totoo ang mga balitang ito. Ito ang aking nababasa sa mga chat at mga tweets na lumalabas sa Twitter since 2021.

  • Mobile app

Sa tingin ko, nakatulong ng Malaki ang mobile app ng Pi sa paglaki ng bilang ng mga pioneers. Bagamat hindi natin masasabi na committed o nauunawaan ng mga pioneers na ito ang kanilang pinasok, hindi pa rin natin maitatanggi na kakaiba ang stratehiya ng Pi Network sa pag-anyaya ng mga bagong kasapi. Nabanggit ko na ako ay nakbuo ng 54 members sa aking team at mahigit 100 sa Facebook group chat na nabuo ko tatlong taon na ang nakalipas.

  • Potential capital for Hive

Pang-apat at kahuli-hulihan nagustuhan ko kay Pi ay ang posibilidad na ito ay magbigay sa akin ng kapital upang lumaki ang aking HIVE Power. Sa oras na magkatotoo ang inaasahan na Open Mainnet sa darating na June 28 at magkakaroon na si Pi ng market price, 75% ng token na hawak ko ay ibebenta ko upang ipasok sa Hive network.

Marahil ay sapat na ang apat na mga bagay na nabanggit ko kung bakit sa kabila ng negatibo kong pananaw kay Pi Network ay masasabi ko pa rin na ito ay maaaring makatulong sa akin.

Posted Using InLeo Alpha



0
0
0.000
2 comments
avatar

May KYC pala sya. Hope the mainnet launches on the said date and the token's price will pump para masaya kayo :)

All the best!

0
0
0.000
avatar

Very challenging lang yong migration ng token sa Open Mainnet. Ang hirap ng liveness check nila.

0
0
0.000