Psychiatry and Big Pharma
Ito ang aking unang artikulo dito sa Tagalog Trail community. Nag-aalangan akong sumulat dahil sa kontrobersiyal ang paksang aking napili. Ito ay tumawag sa akin ng pansin pagkatapos kong mapakinggan ang mensahe ng Department Head ng aming paaralan sa biblical counseling.
Ang tinutukoy ko ay tungkol sa sinulat ng isang psychiatrist na kaniyang pinasusubalian ang scientific character ng kaniyang propesyon. Siya ay mahigit 38 taon ng psychiatrist at mahal niya ang kaniyang trabaho, ang mga pasyente at kaniyang mga kasamahan. Subalit sa kabila nito, nagbago ang kaniyang paniniwala at sa tingin niya ang psychiatry ay isang malaking siyentipikong scam.
Ayon sa kaniya, ang industriya ay gumagastos ng bilyun-bilyon taun-taon sa tinatawag niyang "pseudoscience." Taliwas sa paniniwala ng publiko, hindi lubos na nauunawaan ng mga psychiatrists kung paano gumagana talaga ang utak ng tao. Kung magkagayon, walang kaseguruhan sa mga ginagawang pag-diagnose ng mga natatanging sakit na may kinalaman sa "pathophysiological" o pagrereseta ng mga gamot. Sa halip, ang mga psychiatric diagnose ay kadalasang nakabatay sa hindi malinaw na mga hangganan at mga checklist ng sintomas na naiimpluwensyahan ng mga interes ng tinatawag na "big pharma".
Dagdag pa rito, ang pinaniniwalaan ng marami na "chemical imbalance" ay walang sapat na siyentipikong katibayan at gawa-gawa lamang upang maibenta ang mga gamot sa psychiatry. Inamin ng psychiatrist na ito na hindi nila lubusang nauunawaan ang ilang mga gawain ng utak ng tao tulad ng pag-iisip at emosyon.
Ayon kay Dr. Paul Minot, ang mga psychiatric na paggamot ay kadalasang pinipili batay sa maliit na bilang ng mga ino-obserbahang mga "trials" na pinondohan at nasa ilalim ng impluwensya ng interes ng mga malalaking korporasyon. Ang ganitong istratehiya ay tumatanggap ng respeto at mga gantimpala mula sa mga kumpanya sa ilalim ng "big pharma" at ng mga healthcare corporations.
Nakakapagtaka na sa kabila ng tumataas na bilang mga diagnosis at paggamot sa mga psychiatric condition, hindi bumubuti ang mental health ng mga pasyente. Sa halip, patuloy pa rin ang pagtaas ng suicide rate.
Masyadong "simplistic" ang kasalukuyang modelong ginagamit ng mga psychiatrists. Sa katotohan, kumplikado at hindi lubusang nauunawaan ng propesyon kung paano gumagana ang utak ng tao. Ang mga pseudoscientific jargon ng propesyon tulad ng "chemical imbalance" at "bipolar" ay nakapasok na sa pampublikong diskurso. Ito ay isang pagtatakip sa mga pagkukulang ng psychiatry sa siyensiya.
Sa kabuuan, ang layunin ni Dr. Minot ay ilantad ang kamangmangan na ito na laganap sa kasalukuyan. Para sa kaniya, mapanganib kung magpapatuloy na walang nalalaman ang publiko ukol sa bagay na ito. Ayon sa kaniya, kailangang mapalitan ang simplistic at pang-ekonomiyang modelo ng paggamot. Sa halip, ang kaniyang mungkahi o bagong hypothesis ay mas angkop na ihalintulad ang utak ng tao sa isang computer software. Ang ganitong pananaw ay may potensyal na baguhin ang pag-unawa ng propesyon ukol sa mga sakit sa pag-iisip ng tao.
Congratulations @arlenec2021! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 800 upvotes.
Your next target is to reach 500 comments.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Check out our last posts:
Maganda na magkaroon nang mga bagong pag-aaral kung sakali man sa usapin nang ating mental health.
Kung sakali man na ginawa nga ng mga big pharma ang mga ganitong bagay, alam parin natin na kahit papaano ay may naitulong din sila sa ikauunlad ng pag-aaral ukol dito. Hindi naman lahat ng gamot na binebenta nila ay madaling ma access sa publiko, ang isa sa mga mahal ko sa buhay ay nag me medikasyon sa pagiging bipolar at regulated ang gamot na kanyang binibili kailangan ay reported dahil narin naka kategorya ito as dangerous drugs.
Kung may alternatibo, bakit hindi - isa sa mga sinusubaybayan ko ay si Dr. Tito Almadin kung san nagbibigay din siya ng ibang approach ukol sa mental health.
Maganda ang reflection na ito keep it up!
Salamat! Lumalaking kilusan sa ngayon ang biblical counseling movement. Ito ay nasa 6 na kontinente at 29 countries na. Bagamat ang unang aklat na nasulat ukol dito ay 16th century pa, ito ay nabigyan lang muli ng pansin sa pangunguna ni Jay Adams ng Westminster Theological Seminary ng 1970's. Sa ngayon, ang kilusan ay aktibo at malakas sa Estados Unidos at Canada, kung saan nakabase ang mga organisasyon tulad ng Association of Certified Biblical Counselors (ACBC) at ang Christian Counseling Educational Foundation (CCEF). Sa Pilipinas, bata pa ang kilusang ito. Gaganapin ang ikalawang Soul Care Symposium sa darating na July 6 sa Philippine Christian University. Interesting ang paksang tatalakayin sapagkat isang physician mismo ang magsasalita, si Dr. Adam Tyson at ang kaniyang topic ay Biblical Counseling and Medical Issues.